10 Reasons Why We Should Vote Kabataan Partylist
Tuesday, May 8th, 200710 Reasons Why We Should VOTE KABATAAN PARTYLIST
1. KABATAAN ito, kapatid!
Ang Kabataan Partylist ay natatanging partylist na itinatag, pinamumunuan,
at itinataguyod ng mga kabataan para sa interes nating mga kabataan.
2. STRENGTH IN NUMBERS
May mga chapters ang
Kabataan Partylist mula Luzon hanggang Mindanao. Ni-uunite nito ang mga
kabataan ng sangkapuluan hindi lang sa kongreso kundi sating mga paaralan,
komunidad at pagawaan. Kinikilala din nito ang lakas ng ating pinagsamang tinig
at boses sa Mababang Kapulungan maging sa lansangan.
3. Because IT IS RIGHT!
Yes, Education is a Right! Iginigiit at itinataguyod ng Kabataan Partylist
ang karapatan nating kabataan sa edukasyon sa pamamagitan ng dagdag na pondo sa
edukasyon at kagyat na pagpapatigil ng tumitinding komersyalisasyon ng
edukasyon.
4. PANG-KABUHAYAN Showcase!
Isinusulong din ng Kabataan Partylist ang pagkakaroon ng disenteng
trabaho at kabuhayan hindi lamang para sa mga kabataan kundi para sa lahat ng
mamamayang Pilipino.
5. STAR STUDDED ITO!
Who else kundi sina Papa
Dennis Trillo at Ate Angel Locsin ang nag-eendose ng Kabataan Partylist sa
kanilang video sa You Tube! Tulad nila ay sumusuporta din sa mga itinataguyod
ng Kabataan Partylist sina Dino ng Brownman Revival, Datu’s Tribe, Ciara Sotto,
Marvin Agustin, Paolo Ballesteros, at our very own Atom Araullo!!! O diba, i-star
i-studded! (para mapanood, pumunta lang sa www.kabataanparty.com)
6. TALENTADO TAYO!
Kinikilala ng Kabataan
Partylist na mahalagang pagyamanin din ang sports, kultura, at sining para sa
pagpapaunlad ng Kabataang Pilipino. Para naman hindi nasasayang ang ating mga
angking kakayahan at talento, di ba?
7. PEACE, MAN!
Sinusuportahan ng Kabataan
Partylist ang mga batayang karapatan ng bawat Pilipino na mamuhay sa isang
lipunang mapayapa at malaya mula sa krimen, pagkalulong sa droga, giyera,
militarisasyon, peligro sa kapaligiran, dekadenteng kultura, prostitusyon,
kagutuman, at diskriminasyon sa kasarian, edad, kapansan, at relihiyon.
8. SERVE THE PEOPLE!
Kinikilala ng Kabataan Partylist
ang papel nating mga kabataan sa pagbabago ng mundo. Isang pagbabagong higit na
makabuluhan kung ating ilalaan sa paglingkod sa bayan at sa lahat ng sektor
(manggagawa, magsasaka, maralitang tagalunsod, pambansang minorya, atbp) na
matagal nang ipinagkakait ng isang maayos na pamumuhay. Kaya’t hindi mawawala
ang battlecry nitong Serve the People!
9. PAG-IBIG!
Ipinagtatanggol ng Kabataan
Partylist ang PAG-IBIG! at debosyon sa Inang Bayan sa pamamagitan ng
pagbabantay sa ating kalayaan at respeto sa pambansang patrimonya at soberanya.
10. TAYO ANG PAG-ASA NG BAYAN! Dapat
may SAY na tayo!
Titiyakin natin na ang mga kabataan
ay makikinabang at makakalahok sa lahat ng aspeto ng pamumuno ng gobyerno at
pagdedesisyon ng mga kinatawan ng pamahalaan. Dahil tayo ang pag-asa ng bayan, sa ATIN ang KINABUKASAN, kaya nararapat
lamang na may SAY tayo sa kung anong klaseng kinabukasan ang dapat na mapunta
sa atin.
Kabataan,
Mag-aral, Maglingkod, Makibaka!
Tayo ang
Pag-asa! Tayo ang Kinabukasan!
IBOTO! KABATAAN PARTYLIST!
