SemEnderSlam!!!

Oct2005semenderinvitnew_1 

Isang mainit na Haller! sa inyong lahat :)

Malapit nang matapos ang semestre. Nitong nakaraang mga buwan, marami tayong mga bagong kaibigang nakilala, mga bagong aral na nakuha, at mga bagong karanasan na patuloy na humuhubog sa atin. Mahirap man at ngarag dahil sa hegz na acads ay keri lang, basta’t andyan ang mga kabarkada’t kaibigan. Basta’t alam natin kung bakit at para saan (o kanino) ba tayo nag-aaral.

Shemps, hindi lang ang acads natin ang naging hegz nitong semestreng ito. Patuloy tayong hinahamon ng papatindi na krisis pampulitika at ekonomiya na dinadanas ng ating bansa. Habang patuloy na tumataas ang presyo ng langis, pamasahe, at mga bilihin ay patuloy din namang naghihirap ang marami sa atin. Kung kaya’t mahalaga rin ang patuloy nating pagkilala sa sitwasyon at sa lipunang nagluwal nito. Mahalaga ang patuloy nating pagtugon sa pamamagitan ng ating kolektibong pagkilos para ipaglaban ang ating mga pinakabatayang karapatan, truncheon man o tear gas ang itapat nila sa atin.

Ngayong pagtapos ng semestre, mahalagang balikan natin ang ating pinaka-batayang pagkakaisa bilang isang organisasyon (ang Agham Youth! ano pa!) at suriin muli ang mga layunin at prinsipyong nagbubuklod sa ating lahat. Mula dito, ating pagtitibayin ang ating commitment sa kolektibong pagsulong at pagsasakatuparan ng ating mga adhikain. Op kors, hindi rin mawawala ang ating pinakahihintay na sem-ender na pagkakataon nating magpakawala at mag-enjoy sa kabila ng haggardness na patuloy nating dinaranas.

Kung kaya’t lahat tayo’y mainit na inaanyayahan (at hinihikayat) na ju-moin sa ating Agham Youth Sem-EnderSlam! na gaganapin sa Oktubre 15-20, 2005.  Ang Sem-EnderSlam! ay kabibilangan ng isang araw na EDFest o Educational Discussion Festival, isang araw ng BondingSwimmingBeach kasama na ang induction ceremony (by the bonfire!) at kulitan, at tatlong araw na BMI o Basic Masses Integration sa isang komunidad ng mga pesante sa Silang, Cavite.

Ang mga detalye ng Sem-Ender Slam! ay mababasa sa ibaba. Shemps, gaya ng sa lahat ng ating gawain at aktibidades, mahigpit na hinihiling ang ating pagdalo at aktibong partisipasyon dito. Kung may mga tanong o di kaya’y hindi makakadalo (awww!) ay sabihin lang agad sa kahit na sinong Execom member. Lahat din ay tinatawagang pumunta sa gaganaping Orientation hinggil sa Sem-Ender sa Byernes, Oktubre 7, 2005, 5:30PM sa AY tambayan, para makapag-tasking na ang bawat komite at matalakay ang iba pang detalye ng ating Sem-Ender.

Kitakits!

<click the pic below to view the SemEnder’s program>Oct2005semenderinvite2

Leave a Reply