10 Reasons Why We Should Vote Kabataan Partylist

May 8th, 2007 by aghamyouth

10reasons2votekpl_2_loresAgham Youth’s

10 Reasons Why We Should VOTE  KABATAAN PARTYLIST

 

1. KABATAAN ito, kapatid!

Ang Kabataan Partylist ay natatanging partylist na itinatag, pinamumunuan,
at itinataguyod ng mga kabataan para sa interes nating mga kabataan.

 

2. STRENGTH IN NUMBERS

May mga chapters ang
Kabataan Partylist mula Luzon hanggang Mindanao. Ni-uunite nito ang mga
kabataan ng sangkapuluan hindi lang sa kongreso kundi sating mga paaralan,
komunidad at pagawaan. Kinikilala din nito ang lakas ng ating pinagsamang tinig
at boses sa Mababang K
apulungan maging sa lansangan.

 

3. Because IT IS RIGHT!

Yes, Education is a Right! Iginigiit at itinataguyod ng Kabataan Partylist
ang karapatan nating kabataan sa edukasyon sa pamamagitan ng dagdag na pondo sa
edukasyon at kagyat na pagpapatigil ng tumitinding komersyalisasyon ng
edukasyon.

 

4. PANG-KABUHAYAN Showcase!

Isinusulong din ng Kabataan Partylist ang pagkakaroon ng disenteng
trabaho at kabuhayan hindi lamang para sa mga kabataan kundi para sa lahat ng
mamamayang Pilipino.

 

5. STAR STUDDED ITO!

Who else kundi sina Papa
Dennis Trillo at Ate Angel Locsin ang nag-eendose ng Kabataan Partylist sa
kanilang video sa You Tube! Tula
d nila ay sumusuporta din sa mga itinataguyod
ng Kabataan Partylist sina Dino ng Brownman Revival, Datu’s Tribe, Ciara Sotto,
Marvin Agustin, Paolo Ballesteros, at our very own Atom Araullo!!! O diba, i-star
i-studded! (para mapanood, pumunta lang sa www.kabataanparty.com)

 

6. TALENTADO TAYO!

Kinikilala ng Kabataan
Partylist na mahalagang pagyamanin din ang sports, kultura, at sining para sa
pagpapaunlad ng Kabataang Pilipino. Para naman hindi nasasayang ang ating mga
angking kakayahan at talento, di ba?

 

7. PEACE, MAN!

Sinusuportahan ng Kabataan
Partylist ang mga batayang karapatan ng bawat Pilipino na mamuhay sa isang
lipunang mapayapa at malaya mula sa krimen, pagkalulong sa droga, giyera,
militarisasyon, peligro sa kapalig
iran, dekadenteng kultura, prostitusyon,
kagutuman, at diskriminasyon sa kasarian, edad, kapansan, at relihiyon.

 

8. SERVE THE PEOPLE!

Kinikilala ng Kabataan Partylist
ang papel nating mga kabataan sa pagbabago ng mundo. Isang pagbabagong higit na
makabuluhan kung ating ilalaan sa paglingkod sa bayan at sa lahat ng sektor
(manggagawa, magsasaka, maralitang tagalunsod, pambansang minorya, atbp) na
matagal nang ipinagkakait ng isang maayos na pamumuhay. Kaya’t hindi mawawala
ang battlecry nitong Serve the People!

 

9. PAG-IBIG!

Ipinagtatanggol ng Kabataan
Partylist ang PAG-IBIG! at debosyon sa Inang Bayan sa pamamagitan ng
pagbabantay sa ating kalayaan at r
espeto sa pambansang patrimonya at soberanya.

 

10. TAYO ANG PAG-ASA NG BAYAN! Dapat
may SAY na tayo!

Titiyakin natin na ang mga kabataan
ay makikinabang at makakalahok
sa lahat ng aspeto ng pamumuno ng gobyerno at
pagdedesisyon ng mga kinatawan ng pamahalaan. Dahil tayo ang pag-asa ng bayan, sa ATIN ang KINABUKASAN, kaya nararapat
lamang na may SAY tayo sa kung anong klaseng kinabukasan ang dapat na mapunta
sa atin.

 

Kabataan,
Mag-aral, Maglingkod, Makibaka!

Tayo ang
Pag-asa! Tayo ang Kinabuka
san!

IBOTO! KABATAAN PARTYLIST!

woohoo ang saya saya!!!!

October 24th, 2005 by aghamyouth

MALUPET EVER! Ito lang masasabi ko sa katatapos lang na SemEnder/BMI ng AY!

Eto nalang muna i-sha-share ko, mga Quotable Quotes:

"Sa totoong buhay hindi ako sweater, T-shirt ako!"

"Pa-chibog! Ay, patikim pala, hehe…"

"Sa sistemang primitibo komunal…sila ay mga hunterers, gatherers…"

"Sinong makakaexplain ng sistemang primitibo komunal?"
"Primitibo komunal? Diba self-explanatory na un?"

"Anong gamit na sandata ng mga Espanyol?"
"Kris at espada!"

"Ayon sa data ng Alliance of Concerned Teachers o CONTEND…"

"Ano bang ginagawa ni Sendong magsasaka? Pangangararo at pangangalabaw!"

"Ang lugaw na nakain ko ng gabing ito ang pinakamasarap na aking natikman..hay ang sarap ng buhay…shit, ang sarap talaga"

"Ano bang gusto mong kurso paglaki mo? Sasabihin nila gusto nilang maging Computer Science!"

"Ang hirap ng dinadaanan namin dito" (dapat un pinagdaanan..pero pwede na ring literal)

"Ah…na-dikya ba? Maganda dyan lagyan ng kalamansi para matanggal ang sakit…tapos lalagyan ng toyo…"

"Ano po ba yan?"
"Yan ang lawa ng Laguna…"
"Ahhh…Manila Bay!"

Nakalimutan ko na ang iba. Magdadagdag nalang ako sa susunod.
Ung mga pix naman, ihahabol nalang din natin.  Wala pa tayong memory card reader eh.

SemEnderSlam!!!

October 4th, 2005 by aghamyouth

Oct2005semenderinvitnew_1 

Isang mainit na Haller! sa inyong lahat :)

Malapit nang matapos ang semestre. Nitong nakaraang mga buwan, marami tayong mga bagong kaibigang nakilala, mga bagong aral na nakuha, at mga bagong karanasan na patuloy na humuhubog sa atin. Mahirap man at ngarag dahil sa hegz na acads ay keri lang, basta’t andyan ang mga kabarkada’t kaibigan. Basta’t alam natin kung bakit at para saan (o kanino) ba tayo nag-aaral.

Shemps, hindi lang ang acads natin ang naging hegz nitong semestreng ito. Patuloy tayong hinahamon ng papatindi na krisis pampulitika at ekonomiya na dinadanas ng ating bansa. Habang patuloy na tumataas ang presyo ng langis, pamasahe, at mga bilihin ay patuloy din namang naghihirap ang marami sa atin. Kung kaya’t mahalaga rin ang patuloy nating pagkilala sa sitwasyon at sa lipunang nagluwal nito. Mahalaga ang patuloy nating pagtugon sa pamamagitan ng ating kolektibong pagkilos para ipaglaban ang ating mga pinakabatayang karapatan, truncheon man o tear gas ang itapat nila sa atin.

Ngayong pagtapos ng semestre, mahalagang balikan natin ang ating pinaka-batayang pagkakaisa bilang isang organisasyon (ang Agham Youth! ano pa!) at suriin muli ang mga layunin at prinsipyong nagbubuklod sa ating lahat. Mula dito, ating pagtitibayin ang ating commitment sa kolektibong pagsulong at pagsasakatuparan ng ating mga adhikain. Op kors, hindi rin mawawala ang ating pinakahihintay na sem-ender na pagkakataon nating magpakawala at mag-enjoy sa kabila ng haggardness na patuloy nating dinaranas.

Kung kaya’t lahat tayo’y mainit na inaanyayahan (at hinihikayat) na ju-moin sa ating Agham Youth Sem-EnderSlam! na gaganapin sa Oktubre 15-20, 2005.  Ang Sem-EnderSlam! ay kabibilangan ng isang araw na EDFest o Educational Discussion Festival, isang araw ng BondingSwimmingBeach kasama na ang induction ceremony (by the bonfire!) at kulitan, at tatlong araw na BMI o Basic Masses Integration sa isang komunidad ng mga pesante sa Silang, Cavite.

Ang mga detalye ng Sem-Ender Slam! ay mababasa sa ibaba. Shemps, gaya ng sa lahat ng ating gawain at aktibidades, mahigpit na hinihiling ang ating pagdalo at aktibong partisipasyon dito. Kung may mga tanong o di kaya’y hindi makakadalo (awww!) ay sabihin lang agad sa kahit na sinong Execom member. Lahat din ay tinatawagang pumunta sa gaganaping Orientation hinggil sa Sem-Ender sa Byernes, Oktubre 7, 2005, 5:30PM sa AY tambayan, para makapag-tasking na ang bawat komite at matalakay ang iba pang detalye ng ating Sem-Ender.

Kitakits!

<click the pic below to view the SemEnder’s program>Oct2005semenderinvite2